Monday, 26 March 2012

Sa aming klase
       Dito sa aming silid aralan ,marami na rin akong naranasan .Marami na rin akong mga naging kaibigan ,sila naman ay matatawag kong tunay na kaibigan kasi sa kanila ko lang naranasan ang napakaraming kalokohan .Sa tuwing nakakagawa kami ng kasalanan hay naku?wag mo nang asahan “kasalanan na isa! kasalanan ng lahat” .marami na rin akong natutunan ,natuto akong magpatawa kahit di ako marunong pero “inferness”marunong na rin ako kahit papaano,natuto na rin ako sumali sa mga kalokohan nila at napakarami pa.
       Natatawa na nga lang ako  sa mga eksenang talaga naman hindi ko inaasang mangyayari pa talaga .yung mapapaisip ka nga lang ng sobra, sobra.Minsan na nga lang kahit sabihan mong nakakainis ay siguradong matatawa ka na lang .Hay !! nakapagod magsulat ahh… kaso nga lang … kundi lang kasi….Parang ang bilis ng panahon noh? Paran kailan lang ay nagpa-enroll ka pagkatapos ay akalain mo? sa susunod na taon ay nasa ikaapat na taon na kami ?? yun ay kung makakapasa kami kay “maam”.
        Siguradong madami akong napulot na baon dito sa aming silid aralan.Hinding hindi ko makakalimutan itong karanasan kong ito.Mami-miss ko sigurado yung mga kapalpakan namin,yung mga pag aaway namin.           huh….Parang gusto ko nang umiyak  ngayon pa lang … .Isa ito sa mga babaunin ko ngayong darating na bakasyon.
         
ipinasa ni :alanis rubia
III-3


2011-2012 TAROG, J.C. III-3

Pangkalahatang Gawain sa Filipino III

Paghanga

Joseph C. Tarog III-3


sanay di na lang kita nakilala
dahil sa sungit mo,kapagnilalapitan kita
ngayong araw ng mga puso sanay malaman mo
na unti-unti akung napapa-ibig sayo


di ko man masabi sa iyong harapan
nahuhulog na ako sa iyong kagandahan
sana'y wag mo akung tampuhan
sa pagtingin ko sayong di ko mapigilan


iang tanging paraan,upang iyong malaman
kahit sa iyong kasungitan
diko parin magawang ikaw ay kainisan
maslalo akong naaakit ng iyong kasungitan


para kang bituin na gusto kung abutin
subalit hindi ko kaya
dahil alam kung may mahal kanang iba
hanggang tingin nalang ang aking nadarama

                                          Portfolio sa filipino






ipinasa ni :alanis r.rubia


taon at pangkat:III-3

JINKY VILLAMONTE

ANG KARANASAN KO SA IKATLONG TAON SA HAYSKUL

Masaya ako dahil nasa ikatlong taon na ako sa hayskul meron kaba sa aking dibdib ako'y bago palang sa paaralan ng Mambugan National High School tila bang nakaka panibago dahil bagong mga kaibigan na naman ang aking makikilala bagong mga Guro at bago rin ang aking mga gamit ng ako'y naghanap ng aking pangalan nakita ko ang mga estudyante nag-tatawanan nag hahabolan at sila'y Masaya. nakita ko na ang ang aking pangalan sa lll-15 naging estudyante ako ng aking guro nasi Mrs. Jasmine Dedomo . marami ang aking mga ka klase galing kame lahat sa iba't-ibang paaralan.Ng magsimula na ang oras para mag-aral kinakabahan ako at tila masaya kasi komportable ako sa lugar kong saan akme, naging masaya ang bawat araw namin sa silid aralan na iyon bawat araw bafo ang topic at may mga away gulo di pag kaka unawaan ngunit lamang naman dito ang masaya..Dumating sa punto na mag kakahiwalay na kameng mag kaka klase malung ngunit .. kailangan namin itong tanggapin inilipat ako sa lll-3 pang hapon na kame lahat pumasok ako sa silid aralan ng mga sinasabe nila na matatalino at parang kakaiba ang ang nararamdam dito parang hindi ako naging komportable ngunit nilakasan ko ang aking loob at ngayon nakikipag sapalaran sa kanila at ngayon maayos akong aalis sa silid na ito na komportable na salamat sa mga Guro at tumulong sa aming lahat.

ANG AKING KARANASAN

           Una sa lhat ako nga pala si Jayme B. Rebadio ng ikatlong pangkat sa ikatlong taon . Ako ay  Transfer sa ibang school .Dito mag sisimula ang karanasan ko bilang mag aaral sa ikatlong taon.

            Nung unang pasukan ay nahihiya ako pumasak dahil sa ako ay bago ngunit nalaman ko na ang mga bago kong kamag aral ay mga bagong lipat din . Nung unang araw nahihirapan ako siguro dahil sa naninibago lang ako. Pero nung madami na akong kakilala nag umpisa na ako makihalubilo sa mga kamag aral ko.

             Dati nung nasa pangkat labing dalawa (12) ako nag karoon ako ng mga kaibigan sina Marielle at si  M.J kaso nung nag karoon ng paglilipat ng pangkat ako ang nahiwalay at sila ay mag  kasama sa pangkat labing apat (14) .Samantala ako ay nasa pangkat labing lima (15). Noong nasa pangkat labing lima (15) ako dun ako  nakaranas ng pakikipag away sa mga kamag aral ko  pero nag karoon din ako ng mga kaibigan  doon sila Jullie ann , Jicel  , Pauline at marami pang iba.  Nung oras na inaway ako ng mga kamag aral ko nandun sila at pinag tanggol nila ako. Dun din ako nahirapan sa mga asignatura ko  pero ayos lng yun kasi nakapasa aman ako.

              Nalungkot ako nung nalaman ko na kailangan ulit namin maglipatan ako ay napunta sa apngkat tatlo (3).A kala ko di ako magiging masaya yun pala dito ko lang pala  makikita ang kasayahan ko ngayon ay madami na akong mga kaibigan dito isa na dito yung parang bestfriend ko  sio Jinky . Kamag aral ko din siya sa pangkat 15 , pangkat 12 at hanggang sa pangkat 3 . Marami na din akong mga kaibigan at mga kakilala ...

             Ngayon mag tatapos na ang taon sana mas maganda pa ang mga karanasan ko pag dating ko sa ikaapat na taon











GINAWA NI:
JAYME B. REBADIO  III-3

Sunday, 25 March 2012



Suan,Gracel R.

Suan,Gracel R.
Suan,Gracel R.

paglisan

                                      PAGLISAN
                                                    
                       bakit may ibang nadarama
                       ang damdamin ko sayo sinta
                       kahapon ka'y ayos na ating pagsasama
                       bakit ngayo'y nawala na ?


                       may nagawa ba akong pagkakamali
                       upang iwasan at iwaksi
                       may pagkukulang bang nagawa 
                       upang tuluyang mawala


                       pag ibig ko naman sayo'y tunay
                       hindi ko alam kung may pagkukulang
                       baka may iba kana sinta
                       at sa kanya ay sumama


                       nararamdamang sakit ngayon ay di mapigilan
                       sa pagkawala mo aking sinta
                       ang hiling ko lamang bago ka lumayo
                       nararamdamang ito ay sana'y tuluyang maglaho


  
 Suan,Gracel R.

Villar,Reynald Moises P.


 UNANG MARKAHAN
IKALAWANG MARKAHAN

                                 IKATLONG MARKAHAN
  IKAAPAT NA MARKAHAN





MGA GAWAIN


TULA NA AKING GINAWA NOONG ARAW NG MGA PUSO :)

"DI KO SASAYANGIN" 
ni Reynald Moises P. Villar  
 
Nung una kang makita ako'y "na-exite"
Totoo pala ang kasabihang "love at first sight"
Gustong malaman iyong pangalan
At ako'y agad nagpakilala naman

Pasensya ka na kung ako'y papansin
Pasensya ka na kung ako'y makulit din
Pasensya na kung minahal kita
At kung minsan nagmumukha ka akong tanga!

Ginawa ang lahat magkalapit lang tayo
At makuha ang matamis mong oo
Pagkatapos ng klase at merong proyekto
Para akong sira kumakatok sa inyong pinto

Nang mkamit ang pangarap na oo
Magkahawak kamay pag-uuwi tayo
Matamis mong oo ay di sasayangin
At palaging ikaw lang ang mamahalin

AKING MGA KARANASAN SA IKATLONG TAON




 :)
"Di ko to malilimutan"
ni Reynald Moises P. Villar 

          Unang araw ng pasukan ako'y medyo kinakabahan sapagkat bago lang at di kilala mga bagong kamag-aral.Dinagdagan pa ng akala ko'y masusungit na guro na yun naman pala ay hindi.Nang kinatagalan ay nagkaroon na rin ako ng mgakakilala na sa kalaunan ay aking naging mga kaibigan.Ito ay sila Leuterio, Nebreja, Tolentino, Pescasio at Panelo.Dati ay tinagurian kaming "Panelos Company"dahil sa lagi naming pag-iingay sa likuranna pinangungunahan ni Panelo.

         Di naman sa pagyayabang, ang mga paborito kong asignatura ay English, Math at walang iba ang Filipino. :) Noong Disyembre "excited" ang lahat sa padating na "christmas party".Lahat ng grupo ay naghanda ng kan-kanilang makakain.Di ko rin malilimutan nung "christmas party" ay nung nagtago kami ng dalawang "RC".At ininom namin nang kami ay lumabas,busog kaming lahat, sa "RC" nga lang.

        Eto na talaga ang pinakamasaya,nitong nakaraang Pebrero lamang, ang "JS PROM" kasali kami ni Panelo  sa kutilyon. At ako ay na"nomenate" na "prince charming of the night", yun nga lang di pinalad.Eto ang mga karanasang di ko malilimutan. Sana pag ako ay pinalad na makatung-tong ng ikaapat na taon ay maranasan ko ulit ang mga naranasan ko ngayong ikatlong taon.



REYNALD MOISES P. VILLAR
III-3

Saturday, 24 March 2012





"Mahal Kita"
    (tula)
Rosario Janice Z.







"Ang Aking Karanasan sa Ikatlong Taon"
     Rosario Janice Z.



Rosario Janice Z.
 "Mahal Kita
(Tula)
Mahal kita alam mo ba iyon?
Pag di ka kasama ako'y di mapakali
Laging ikaw lang ang iniisip ko sinta,
Di ko alam kung ganun ka din sa akin,

Di ko mawari sa tuwina na ika'y 
aking isipin,ikaw lang laman nitong
puso't isipan mahal ko sana'y paniwalaan 
mong ikaw lang talaga ang siyang 
sinisnta ng puso kung ito,

Basta't alam ko sa sarili kung ikaw
lang ang aking maha,hirap ipaliwanag 
itong sking nadarama para sa iyo ngunit
hirap sabihin at bigkasin ang salitang 
mahal kita

Mahal kita,mahal kita iyon lagi 
ang bukambibig ng bunganga kung matabil
sana'y paniwalaan mo naman aking sinta
walang halong bola mahal kita










Rosario Janice Z.
                                                "Ang Aking Karanasan sa Ikatlong Taon"
                                                                    (Salaysay)
         Maraming kakaibang karanasan ang aking naranasan bilang isang mag-aaral sa ikatlong taon mga di pawat na kulitan,kwentuhan at tawanang walang humpay na nauuwi minsan sa bangayan ng kanya-kanyang grupo.Marami ding mga guro ang mga nagalit at nainis sa aming kaingayan.Subalit ganun pa man amin pa din silang pinapatawa.Dito ko din nakilala ang aking mga kaibigan na makukulit,madrama,masaya kasama,mataray pero sobra kung magmahal.Minsan di maiiwasan ang pagkakaintindihan pero nagkakabati pa din.
         Dito din sa silid aralan na ito nabuo ang samahan at pagkakakilanlan ng 53 estudyante na nagturingang parang magkakapatid na sa lahat ng oras ay nagtutulongan at nagdadamayan.Minsan pa nga pag may pagsusulit
pag walang sagot ang isa pakokopyahin na lang
         Ang bilis ng panahon sa susunod na pasukan nasa ika-apat na taon na kami.Mga bagong mukha naman ang makakasalamuha ko bagong karanasanan mga bagong kaklase.Maraming paghihirap ang aming naranasan at mga masasayang bagay ang sa tingin ko'y higit na nagpasaya sakin.Siguradong mamimiss ko nang sobra-sobra ang aking mga kaibigan at mga kaklase.Mga masasayang kulitan at asaran na nauuwi sa tampohan.Yan ang aking mga karanasan na di ko malilimutan bilang isang mag-aaral sa ikatlong taon na di ko makakalimutan kailan man.








Rosario  Janice Z.

Friday, 23 March 2012

SALAMAT AKING MAHAL

                      Salamat aking mahal sa oras na ibinigay mo ,
                      Sa panahong ginigol mo sa ating dalawa.
                      Salamat sa pag mamahal at pag papahalaga ,
                      Sa tiwala't respetong iyong ipinakita


                     Patawad sa panahong di kta maunawaan ,
                     Sa mga bagay na ako ang may kasalanan.
                     Pero kahit ganon ako'y pinag papasensyahan.
                     Sana wag mag bago ang pagtingin mo sa akin.


                     Maraming salamat aking mahal sa pag mamahal.
                     Sana ikaw na talaga ang aking makasama.
                     Nais kong ikaw ay aking makasama sa buhay.
                     Kasama ang ating panagarap sa hinaharap


                    Salamat aking mahal at ikaw ay natagpuan .
                    Hayaan mong pasalamatan kita sa kabutihan mo.
                    Dahil sa iyo ako ay nag bago at natuto.
                    Salamat , salamat mahal ko't tayo ay nag ksama.



GINAWA NI:

REBADIO JAYME B.

Tuesday, 21 February 2012

Tuesday, 7 February 2012

 pangkatang gawain. "himala"
Himala

Monday, 6 February 2012

 pangkatang gawain. "sinag sa karimlan"
 pag-awit ng Malayo pa ang Umaga, pag uugnay sa akda.
pagsulat ng mga pangyayari sa akda, pag-uugnay sa pangyayari sa lipunan.

Wednesday, 1 February 2012

 pangkatang gawain. "BANYAGA"
pagtalakay sa "banyaga"

Tuesday, 24 January 2012

 Pagtalakay sa akdang "Ang Pamana."
 pangkatang gawain.
pangkatang gawain, "Ang Pamana."

Wednesday, 18 January 2012

Impeng Negro ni: Rogelio Sikat

 "  Baka makipag away ka na naman Impen"

         Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman.Mula sa kinatatangluang giray na batalan , saglit syang napatigil sa pag huhugas ng mumu sa kamay.

          " Hindi ho" paungol na sagot.

          "Hindi ho....." ginadgad siya ng kanyang ina."Bayaan mo na nga sila.Kung papansinin mo'y lagi kangang babasag ulo".

          " Dumaan ka mamaya kay taba mamayang paguwi mo" narinig niyang bilin ng kanyang ina "Wala ng gatas si Boy.Ito ang pambili"

            Umingit ang sahig ng kanyang barong barong ng siya'y pumasok

          "Nariyan sa kahon ang kamiseta mo"

          " Mamaya ,aka umuwi ka namang... basag ang mukha"

           "Yan na ang isuot mo " parang nahulaan ng kanyang ina ang kanyang iniisip

            Nag balik siya sa batalan. Nang siya ay lumabas ,pasan na niya ang kargahan.Tuloy tuloy niyang tinungo ang hagdan


            "Si Ogor? Impen" pahabol na bilin sa kaniya ng kanyang ina .Huwahg mo ng papansinin.


             



             Nag simula si ogor na na dagok dagokan si impen di nakapag pigil ay inaway na di niya  si ogor at nawalan ng balanse si ogor kaya ito ay natumba at  dinaguk dagukan ni impen


        Mahina na si ogor at itinaas ang kamay at sabing ...s..u....k..o..na..a...k..o..i..m..p..e..n


    May mga luha sa kanyang mata at galak na galak siya


    Mataas ang sikat ng araw at para siyang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na naka tindig




Binuod ni: Jayme Rebadio

impeng negro

May isang binatang lalaki na nagtatrabaho para sa kanyang ina at mga kapatid, siya ay nagngangalang Impen. Siya ay kadalasang kinukutya ng mga tao sa kanilang lugar dahil sa kanyang kaitiman at kulot na buhok. Isang araw, siya ay pinaalalahanan ng kanyang ina na huwag na lang pansinin ang mga nang-aasar sa kanya para makaiwas sa gulo. Sinubukan nyang huwag lumaban, lalo na kay Ogor na nangunguna sa pang-aapi sa kanya. Ngunit nang siya ay patuloy na naasar at inunahan sa pagsalin ng tubig, hindi nya napigilan ni Impen ang kanyang sarili at dinagukan si Ogor kahit na ito ay matipuno habang siya ay payat na payat lamang. Nagpalitan sila ng dagok pero sa bandang huli, napasuko ni Impen si Ogor at walang nakakibo sa mga agwador. Kinagulat ng mga tao ang nangyari at pinangimian nila si Impen.
ibinuod ni :jolo rey 

Tuesday, 17 January 2012

Impeng Negro

    Nabilin ang kanyang ina bago pa siya umalis na huwag makikipag-away kay Ogor dahil basagulero ang lalaki iyon.Habang siya'y naglalakad patungo sa langkay ng agwdor ay binubulay-bulay niya ang bilin ng kanyang ina.
    Naka-anim na balde na si Impen ng dumating si Ogor.Mainit ang araw na iyon.Nakaupo si Impen sa kanyang balde habang pumipila na biglang sumigaw si Ogor "Negro"!Baka pumuti ka sumilong ka.Hindi iyon pinansinniImpeng patuloy siya sa pahihintay na umusad ang pila.
      Nakasahod na rin sa Impeng sang biglang hinawakan siya ni Ogor sa balikat at iginitgit ni Ogor ang ibang balde para makasahod ulit.Nagtimpi si Impeng at dun nagsimula ang kanilang pag-aaway ng hindi niya na makayanan ang poot sobrang galit napatumba nito si Ogor na nagpahanya sa mga nagakwador na nakita sa nangyari.
Ibinud ni Torrano,Sarah Jane

Ang kalupi by:Benjamin Pascual

             Maaga pa nagising si aling marta dahil ito ang pinaka espesyal na araw ng kanyang anak. Ito anag araw ng pag tatapos ng kanyang anak na babae.M aliwalas na nag tungo si aling marta sa palengke upang bumili ng mga lulutuin niya.Masayang nag tungo siya sa palengke  sa di sinasadya nabangga siya ng isang bata na nag mamadali na may hawak na isda." pasensya na po kayo" ani ng bata"kung lahat ng pag kakamali mo ay pag papasensyahan madaim kng masasaktan"ani naman ni aling marta.

      Habanag bumibili si aling marta ng mantika ng kapain niya ang kanyang bulsa ay wala ang ang kanyang kalupi."WALA" ani ni aling marta "anong wala " nawawala ang aking kalupi"

     Nag mamadaling lumabas si aling marta  upang hanapin ang batang naka bangga sa kanya, nakita ni aling marta ang bata sa harap ng isang maliit na tindahan at habang nag bebenta ng isang isda"bili n po kayo ng bangus bente lng po." Maliksing lumapit si aling marta sa bata at binatak ang leeg nito

       San mo dinala ang pitaka ko? ani ni aling marta?"ano pong pitaka"? anang bata yung pitaka ko na dinukot mo sa akin?


       Napansin ng isang pulis na nag kakagulo ang mga tao nilapitan nya ito upang tignan nang makita niya si aling marta na batak batak ang leeg ng bata.

       Dinala si aling marta at ang bata sa himpilan "ilabas mo na ang kinuha mo na kalupi ko? "wala nga po akong kinukuha " di nakapagpigil si alng marta at inikot nito ang kamay ng bata nag nag sanhi upang kagatin siya nito sa kamay at papalayong tumakbo At di napansin ng bata na may paparating na sasakyan at itoy nabangga.Nag kakagulo ang lahat at nakita ni aling marta ang bata na duguan,.Napabulong si aling marta na"buti nga sa iyo""wala po talaga sa akin ang inyong pitaka ninyo maniwala po kayo sa akin" ani ng bata

      Nakita ito ng pulis at sabi"masaya na kayo" "wag kayong mag alala wala kayong gagastusin sa pag papalibing sa bata

     Tanghali na ng makauwi si aling marta s kanilang bahay. Naka dungaw sa bintana ang kanyang anak at nagtataka ng makita niya ang dala ng kanyang ina at nag tanong "inay san nyo nakuha ang pambili ninyo niyan? sa pitaka ko" nag tataka na napantingin ang anak ni aling marta sa kanyang ama".Pano po mangyayari yun eh naiwn nyo po yung pitaka nyo dahil nkalimutan po ni itay na ibalik ang inyong pitaka sa inyong  blusa ."Nanlulumo si aling marta at biglang nawalan ng malay.







        "Ang Kalupi ni Benjamin Pascual"


    Jayme B. Rebadio

Sunday, 15 January 2012


Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o pangaralan siya ng kanyang ina. Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha. 
Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador. Mahina na ang kita ng kanyang ina sa paglalaba at mahina na rin ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa pagtatrabaho kahit na maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya dahil sa estado ng kanilang pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa agwador na si Ogor. 
Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang. Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pagtadyak, pagsuntok, at pananakit kay Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na dagok at bayo ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor. Tiningnan ni Impen ang nakabulagtang si Ogor. Nakadama siya ng kapangyarihan.

ibinuod ni: Jinky A. Villamonte

Thursday, 12 January 2012

empeng negro

Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o pangaralan siya ng kanyang ina. Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha. 

Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador. Mahina na ang kita ng kanyang ina sa paglalaba at mahina na rin ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa pagtatrabaho kahit na maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya dahil sa estado ng kanilang pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa agwador na si Ogor. 

Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang. 

Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pagtadyak, pagsuntok, at pananakit kay Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na dagok at bayo ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor. Tiningnan ni Impen ang nakabulagtang si Ogor. Nakadama siya ng kapangyarihan.
ibinuod ni alanis rubia

Sunday, 8 January 2012

      Mahigpit ang bilin ng ina ni Impen bago siya bumaba ng bahay na huwag na siyang makipag-away na muli kay Ogor .Marami nang baldeng nakapila sa igiban ng umagang iyon ng dumating si Impen.Pagkakataon na niyang sumahod subalit muling isiningit ni Ogor ang kanyang balde sapagkat malapit lamang ang pinagdadalhan nito sa inigib na tubig.Walang nagawa si Impen kundi ang magpaubaya kay Ogor.
       Nakarami naman na siysng igib,kaya't ipinasya na niyang umuwi upang maiwasan si Ogor at maging tampulan ng tuksuhan sa igiban.Nang siya'y paalis na pinatid siya ni Ogor at tumama ang pisnge sa labi ng baldeng nabitawang balde.Sa labis na sakit na naramdaman niya ay tawanan pa sa paligid ang kanyang narinig.
         Binalot ng poot ang kanyang,dibdib laban kay Ogor kaya't sinunggaban niya ito at walang habas na pinagsusuntok ang kanyang kalaban.Sunuko ang nalulupaypay at katawang dugoan ni Ogor.Nakuha niya ang paghanga at paggalang ng taong nakapaligid sa kanila ni Ogor dahil sa nangyari.

ibinuod ni: janice Rosario
                       EMPENG NEGRO
           Mahigpit ang bilin ng ina ni Empeng bago siya bumaba ng bahay na huwag  siyang makikipag away muli kay Ogor.Marami ng balde ang nakapila sa igiban ng dumating si Empen.Pagkakataon na niyang sumahod  subalit muling isiningit ni Ogor ang kanyang balde sapagkat malapit lamang ang pinagdalhan  nito sa igiban ng tubig.Walang nagawa si Empeng kundi ang magpaubaya kay Ogor.
             Nakaanim na naman siyang igib kaya’t ipinasiya na lamang niya umuwi upang maiwasan si Ogor at maging tampulan ng tuksuhan sa igiban.Nang siya’y paalis na pinatid siya ni Ogor at tumama ang kanyang pisngi sa labi ng nabitiwang balde.Sa labis na sakit na naramdaman niya ay tawanan pa sa paligid ang kanyang narinig.
               Binalot ng poot ang kanyang dibdib kay Ogor kaya’t  sinunggaban niya ito at walang habas na pinagsusuntok ang kalaban.Sumuko din ang nanlulupaypay at duguang katawan ni Ogor.Nakuha niya ang paghanga ng mga tao na nakapaligid sa kanila ni Ogor dahil sa pangyayari.



IBINUOD NI: GRACEL R. SUAN
III-3

Saturday, 7 January 2012


PANGKAT 4
IMPENG NEGRO
NI ROGELIO SIKAT
            Si Impen ang pangunahing tauhan sa akdang ito , siya ay 16 na taong gulang . maitim ang kanyang balat , isa siyang agwador. Ang kanyang ina ay iniwan ng huling asawa nang ipinagbubuntis pa lang ang kanyang bunsong kapatid. Ang kanyang mga kapatid sa ama ay sina Kano , Boyet at Diding. Si Ogor naman ay isang matipunong lalaki na isa ring agwador na panay ang panunukso kay Impen kasama amg iba pang mga agwador.
           Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o pangaralan siya ng kanyang ina. Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha. 

          
 Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador. Mahina na ang kita ng kanyang ina sa paglalaba at mahina na rin ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa pagtatrabaho kahit na maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya dahil sa estado ng kanilang pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa agwador na si Ogor. 

          
 Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang. 

         
 Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pagtadyak, pagsuntok, at pananakit kay Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na dagok at bayo ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor. Tiningnan ni Impen ang nakabulagtang si Ogor. Nakadama siya ng kapangyarihan.
            IBINUOD NI :
JAY C. TAMBAL

III-3 PANGKAT 4( PELIKULANG PAANO NA KAYA ) 


PANGKAT 4
“PAANO NA KAYA”
Ni ruel bayani
         Ang pangunahing tauhan sa pelikulang ito ay sina Mae na ginampanan ni ( Kim Chiu ) at Bogs na ginampanan naman ni  ( Gerald Anderson ). Ang nobya ni Bogs na si Anna ay ginampanan naman ni ( Melissa Ricks ). Ang kuwentong ito ay umiikot sa dalawang magkababata na nahulog sa isa’t-isa.
         Matalik na magkaibigan sina Mae at Bogs simula noong high school pa lamang sila. Alam na alam nila bawat isa sa kanila. Wala silang itinatagong sikreto sa bawat isa. Sa paglipas nang panahon ay hindi na lang namamalayan ni Mae na unti- unti nang nahuhulog ang kanyang loob kay Bogs. Akala niya sa una na ito'y isang simpleng paghanga lamang sa kanyang matalik na kaibigan. Pero kalaunan ay napagtanto niyang ang kanyang nararamdaman para sa kanyang best friend ay hindi lamang isang simpleng paghanga kundi isang totoong pag-ibig.
Pinili ni Mae na ilihim kay Bogs ang kanyang nararamdaman dahil alam niyang hindi tama at natatakot siya na baka iwasan siya ni Bogs. Bukod din sa katotohanang may mahal nang iba si Bogs at yun si Anna.
         Ginawa niyang lahat upang mawala ang kanyang nararamdaman kay Bogs pero mas lalong tumindi ang kanyang nararamdaman para dito sa paglipas nang panahon. Hindi na natiis ni Mae ang kanyang nararamdaman kay Bogs at nagkaroon siya ng pagkakataon na sabihin kay Bogs ang kanyang nararamdaman nang maghiwalay si Bogs at si Anna. Sinabi niya ang kanyang nararamdaman pati na rin ang kanyang mga hinanakit dito, sa pagiging manhid nito sa kanyang nararamdaman. Nabigla si Bogs sa kanyang nalaman mula sa
kanyang matalik na kaibigan. Nang mapagtanto niya na may nararamdaman din siya para sa kanyang best friend.
         Niligawan niya si Mae at naging sila. Naging maligaya sila sa piling ng isa't isa kahit na sinubok ang kanilang relasyon ng mga problema. Si Anna na dating kasintahan ni bogs ay nagbalik at doon nakita ang katatagan ng pag-iibigan nila Bogs at Mae.
Hindi na natiis ni Mae ang kanyang nararamdaman kay Bogs at nagkaroon siya ng pagkakataon na sabihin kay Bogs ang kanyang nararamdaman nang maghiwalay si Bogs at ang nobya nito. Sinabi niya ang kanyang nararamdaman pati na rin ang kanyang mga hinanakit dito, sa pagiging manhid nito sa kanyang nararamdaman. Nabigla si Bogs sa kanyang nalaman mula sa kanyang matalik na kaibigan. Nang mapagtanto niya na may nararamdaman din siya para sa kanyang best friend. Niligawan niya si Mae at naging sila.
IBINUOD NI:
JAY C. TAMBAL

Thursday, 5 January 2012

impeng negro

May isang binatang lalaki na nagtatrabaho para sa kanyang ina at mga kapatid, siya ay nagngangalang Impen. Siya ay kadalasang kinukutya ng mga tao sa kanilang lugar dahil sa kanyang kaitiman at kulot na buhok. Isang araw, siya ay pinaalalahanan ng kanyang ina na huwag na lang pansinin ang mga nang-aasar sa kanya para makaiwas sa gulo. Sinubukan nyang huwag lumaban, lalo na kay Ogor na nangunguna sa pang-aapi sa kanya. Ngunit nang siya ay patuloy na naasar at inunahan sa pagsalin ng tubig, hindi nya napigilan ni Impen ang kanyang sarili at dinagukan si Ogor kahit na ito ay matipuno habang siya ay payat na payat lamang. Nagpalitan sila ng dagok pero sa bandang huli, napasuko ni Impen si Ogor at walang nakakibo sa mga agwador. Kinagulat ng mga tao ang nangyari at pinangimian nila si Impen.
iibinuod ni Julius Caesar  V. Rondilla

Wednesday, 4 January 2012

Impeng Negro

 Mahigpit  ang bilin ng ina ni Impen bago siya bumaba ng bahay na huwag siyang makikipag-away ng muli kay Ogor.Maraming ng baldeng nakapila sa igiban nang umagang iyon ng ng dumating si Impen.Pagkakataon na niyang sumahod subalit muling isiningit ni Ogor ang kanyang balde sapagkat malapit lamang ang pinagdalhan nito sa inigib na tubig.Walang nagawa si Impen kundi ang magpaubaya kay Ogor.Nakaanim naman na siyang igib kaya't ipinasya na lamang niyang umuwi upang maiwasan si Ogor at maging tampulan ng tuksuhan sa igiban.Nang siya ay paalis na pinatid siya ni Ogor at tumama ang kanyang pisngi sa nabitiwang balde.Sa labis na sakit na nramdaman niya ay tawanan pa sa paligid ang kanyang naririnig.Binalot ng poot ang kanyang dibdib laban kay Ogor kaya't sinunggaban niya ito at walang habas na pinagsusuntok ang kalaban.Sumuko ang nanlulupaypay na katawan at duguang katawan ni Ogor.Nakuha niya ang paghanga at paggalang ng mga taong nakapaligiid sa kanila ni Ogor dahil sa nangyari.

          ibinuod ni: 
Reynald Moises P. Villar