Wednesday, 4 January 2012

Impeng Negro

 Mahigpit  ang bilin ng ina ni Impen bago siya bumaba ng bahay na huwag siyang makikipag-away ng muli kay Ogor.Maraming ng baldeng nakapila sa igiban nang umagang iyon ng ng dumating si Impen.Pagkakataon na niyang sumahod subalit muling isiningit ni Ogor ang kanyang balde sapagkat malapit lamang ang pinagdalhan nito sa inigib na tubig.Walang nagawa si Impen kundi ang magpaubaya kay Ogor.Nakaanim naman na siyang igib kaya't ipinasya na lamang niyang umuwi upang maiwasan si Ogor at maging tampulan ng tuksuhan sa igiban.Nang siya ay paalis na pinatid siya ni Ogor at tumama ang kanyang pisngi sa nabitiwang balde.Sa labis na sakit na nramdaman niya ay tawanan pa sa paligid ang kanyang naririnig.Binalot ng poot ang kanyang dibdib laban kay Ogor kaya't sinunggaban niya ito at walang habas na pinagsusuntok ang kalaban.Sumuko ang nanlulupaypay na katawan at duguang katawan ni Ogor.Nakuha niya ang paghanga at paggalang ng mga taong nakapaligiid sa kanila ni Ogor dahil sa nangyari.

          ibinuod ni: 
Reynald Moises P. Villar
Ibong Adarna

Ang namumuno sa Kahariang Berbanya ay si Haring Fernando. Tinutulungan naman siya ng kanyang asawang si Reyna Valeriana sa pamamahala. May tatlo silang anak, si Don Pedro, ang panganay, si Don Diego, ang ikalawa at si Don Juan, ang bunso, na pawang sinanay na maging pinuno. Isang gabi, napanaginipan ng hari na pinatay ng dalawang lalaki ang kanyang bunso na naging sanhi ng kanyang pagkakasakit. Kalungkutan ang namayani sa buong kaharian dahil dito. Sa maraming manggagamot na tumingin, isa ang nagsabi na ang tanging lunas ay ang Ibong Adarna. Inutusan ng hari si Don Pedro upang hanapin ang ibong magpapagaling sa kanya. Pagkalipas ng ilang taon, hindi ito nakabalik sapagkat naging bato nang tamaan ng dumi ng ibon sa Bundok Tabor. Ang sumunod ay si Don Diego. Katulad din ng kapalaran ni Don Diego. Humingi ng pahintulot si Don Juan sa ama na siya ang huhuli sa ibon at hahanap sa kanyang mga kapatid. Naglakbay si Don Juan na ang tanging baon ay limang tinapay. Ang isang natitirang tinapay ay ibinigay niya sa isang ketonging humingi sa kanya ng limos. Naisalaysay niya sa ketongin ang kanyang pakay. Tinulungan naman siya ng ketonging makipagkita sa ermitanyo. Tinuruan siya ng ermitanyo kung paano makikilala at mahuhuli ang Ibong Adarna. Binigyan siya nito ng isang labaha at panghiwa sa kanyang palad, pitong dayap na ipipiga niya rito upang hindi siya makatulog at gintong sintas na gagamiting panali sa ibon.

  ibinuod ni:  Reynald Moises P. Villar





No comments:

Post a Comment